Fil-Am, nahulihan ng isang kahon ng bala sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2016 - 10:07 AM

NAIA TERMINAL 2 | Photo from NAIA-MIAA
NAIA TERMINAL 2 | Photo from NAIA-MIAA

Isang senior citizen ang nahulihan ng mga bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Filipino-American na si Rondaris Rufino, 79-anyos ay inaresto ng mga tauhan ng Airport police matapos na mahulihan ng isang maliit na kahon na puno ng mga bala ng baril.

Nasa 36 na mga bala ang laman ng nasabing kahon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), hindi pa maipaliwanag ni Rufino kung bakit siya may dalang mga bala.

Galing sa Amerika ang Fil-Am at mula sa Terminal 2 ng NAIA ay mayroon pa itong connecting flight patungo sa Laoag City.

Gayunman, hindi na muna ito pinayagang makaalis at sa ngayon ay hawak sya ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group at isinasailalim sa imbestigasyon.

 

TAGS: ammunition, breaking news, Filipino American, NAIA terminal 2, ammunition, breaking news, Filipino American, NAIA terminal 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.