2 German, dinukot ng ASG sa Tawi-Tawi; isa sa mga hostage napatay umano

By Jay Dones November 07, 2016 - 04:28 AM

 

abu-sayyafDalawa umanong turistang German national ang dinukot ng bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Tawi-Tawi ngunit sinawimpalad na mapatay ang isa sa mga ito ng mga armadong suspek nang ito’y manlaban.

Sa panayam ng Inquirer, kinumpirma ni Muammar Askali alyas Abu Ramie, nagpapakilalang tagapagsalita ng Abu Sayyaf Group na hawak nila ang isa sa mga dayuhang Aleman na nakilala sa pangalang Juegen Kantner, 70-taong gulang.

Sinabi rin ni Ramie na kabilang rin sa kanilang tinangkang bihagin sa Tanjung Pisut Tawi-Tawi ay ang babaeng kasama ni Kantner na  nakilala sa pangalang Sabrina.

Sapilitan umanong sumampa sa kanilang yate ang mga armadong kalalakihan at puwersahan silang isinasama.

Gayunman, nanlaban umano ang babae at tinangkang barilin ang mga  suspek kaya’t pinaputukan ito ng mga salarin hanggang sa mapatay.

Ngunit ayon sa Western Mindanao Command, wala pa silang ulat ng panibgong pagdukot ng ASG na naganap sa naturang lugar sa kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.