Manny Pacquiao, malabo pang magretiro sa boxing

By Isa Avendaño-Umali November 06, 2016 - 03:13 PM

 

Mula sa officla fan Twitter account ni Manny Pacquiao
Mula sa officla fan Twitter account ni Manny Pacquiao

Malabo pang magretiro si Senador Manny Pacquiao sa mundo ng boxing.

Ito’y matapos niyang ihayag na handa siyang labanan ang ‘anybody’ o ang sinuman sa boxing ring sa hinaharap, makaraang makuha ang titulong WBO welterweight champion kontra Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada.

Kabilang sa gusto ng boxing fans na makaharap ni Pacquiao ay ang minsan na nitong nakalaban na si Floyd Mayweather Jr., maging si Terence Crawford.

Ang dalawang boksingero ay kapwa nanunod sa Pacman-Vargas bout.

Mula sa official Twitter account ni Manny Pacquiao
Mula sa official Twitter account ni Manny Pacquiao

Kinumpirma naman ni Pacquiao na babalik siya kaagad dito sa Pilipinas upang pumasok sa Senado.

Sa kanyang Twitter account, pinasalamatan ng Pambansang Kamao ang lahat ng kanyang supporters.

Matatandaang inanunsyo na noon ni Pacquiao ang kanyang retirement sa boxing, pero nagpasyang i-atras ito dahil sadyang ‘passion’ niya ang naturang sport na nagpatanyag at bumuhay sa kanya at pamilya.

TAGS: Senator Manny Pacquiao, Senator Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.