Pagkamatay ni Mayor Espinosa gustong paimbestigahan ng VACC

By Rohanisa Abbas November 05, 2016 - 02:46 PM

Espinosa1
Inquirer file photo

Dapat pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alam sa kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez, posibleng sinadyang patayin sa loob ng Baybay Leyte Sub-Provincial Jail si Espinosa dahil sa lawak ng kanyang koneksyon sa illegal drug trade.

Gusto ring paimbestigahan ni Jimenez ang alegasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na may dalang baril sa loob ng kulungan si Espinosa kaya ito nakipagbarilan sa mga pulis.

Pasado alas-kwatro ng umaga kanila ng mapatay sa umano’y shootout sa loob ng bilangguan si Espinosa kasama ang isang nagngangalang Raul Yap.

Nakatakda sanang maghain ng search warrant sa loob ng selda ni Espinosa ang mga tauhan ng CIDG nang ito umano’y manlaban sa kanila na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

TAGS: Albuera Leyte, CIDG, duterte, Jimenez, vacc, Albuera Leyte, CIDG, duterte, Jimenez, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.