PNP-IAS nag-survey sa sementeryo

By Chona Yu November 01, 2016 - 04:40 PM

IAs Undas
Photo: Jomar Piquero

Sinamantala ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police ang paggunita sa panahon ng undas sa Manila South Cemetery.

Sila ay nagsagawa ng survey kung saan tinanong ang ilang mga tao kung bumalik na baa ng kanilang tiwala sa PNP sa pagsisimula ng Duterte administration.

Pinangunahan IAS-NCR Director C/Supt. Perpetuo Macion ang naturang survey.

Ang IAS ang sangay ng PNP na humahawak sa mga administrative cases ng mga pulis.

Sa naturang survey na nakasulat sa isang papel ang mga katanungan ay may marka para lagyan ng check kung lubos na hindi sumasang-ayon , hindi sumasang-ayon, may pag-aalinlangan , medyo sumasang-ayon at lubos na sumasang-ayon bilang mga pagpipiliang mga sagot.

Ang mga katanungan naman ay kung nagtitiwala ba sa kapulisan sa kaayusan at kapayapaan.

Kung nasisiyahan ba sa serbisyong ibinibigay ng kapulisan sa inyong lugar.

Nakasaad din ang mga katanungan kung nagagampanan ba ng pulis ang kanilang trabaho at kung sang ayon sa kampanya kontra droga .

Nasa questionaire din na sa panahon ngayon kung ligtas ba sa kriminal sa paglalakad ng dis-oras ng gabi sa Metro Manila ang publiko.

Bukod sa isinasagawang survey namamahagi rin ang IAS ng mga handouts sa mga pulis sa Manila South Cemetery na ipinaaalala ang kanilang mandato at misyon sa mga mamamayan bilang mga tagapagpatupad ng batas.

TAGS: ias. pnp, Manila south Cemetery, ias. pnp, Manila south Cemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.