‘Pen-Pineapple-Apple-Pen’ pasok na sa ‘Guinness World Records’

By Jay Dones October 31, 2016 - 11:12 PM

 

piko-taroRecord-breaking na ang kantang ‘Pen-Pineapple-Apple-Pen’ o PPAP ng Japanese comedian na si Pikotaro.

Kinilala na ng Guinness Book of World Records ang naturang kanta ni Pikotaro bilang pinakamaigsing awitin na nakapasok sa ‘Billboard Hot 100s’.

Noong nakaraang linggo, naitala sa No. 77 ang naturang awitin sa Billboard Hot 100’s.

Ngayon lamang muli nakapasok sa Billboard 100’s ang isang Hapones sa loob ng 26 na taon.

 

Ang naturang kanta na umaabot lamang ng 45-segundo at walang katuturan o saysay ay biglang sumirit sa kasikatan makaraang mag-tweet ang internet sensation na si Justin Bieber tungkol dito.

Sa kanyang ‘tweet’ binanggit ni Bieber bilang kanyang ‘pinakapaboritong video sa internet’ ang ‘Pen-Pineapple-Apple-Pen’ ni Pikotaro na dahilan upang agad itong mag-viral.

Noong Byernes, pormal na tinanggap ng 53-anyos na si Pikotaro, habang suot ang kanyang trademark na ‘animal print’ costume ang certificate mula sa Guinness sa isang seremonya sa Tokyo, Japan.

Matatandaang  inamin ni Pikotaro na kanyang ikinabigla ang biglang pagsikat ng kanyang awitin na aniya’y wala naman talagang saysay o katuturan.

Sa kasalukuyan, umaabot a sa 65 milyon ang views ng naturang video ni Pikotaro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.