Meralco, may electrical safety tips sa publiko ngayong Undas

By Rod Lagusad October 28, 2016 - 07:33 PM

Meralco TipsInabisuhan na ng Manila Electric Co (Meralco) ang kanilang mga customers na maging mas maingat kaugnay ng electrical safety ngayong darating na All Saint’s Day long weekend partikular na sa pag-alis ng kanilang mga bahay papunta sa mga lalawigan para bumisita sa mga sementeryo.

Ipinaalala rin ng Meralco na siguruhing nakapatay at naka-unplugged ang kanilang mga appliances bago umalis ng bahay lalo na ang mga television sets, DVD/Blu-Ray players, stereos at iba pang electronic devices na kumukonsumo ng stand-by power na nagdadagdag ng bayarin sa electric bill.

Dagdag dito, kinakailagan na ilagay ang mga combustible materials malayo mula sa outdoor lighting at iba pang source ng heat o init.

Ayon kay Meralco public Information Office Head Joe Zaldarriaga, para sa ligtas at mapayapang paggunita ng Undas ay dapat maging mapagbantay sa pagsiguro sa electrical safety at efficiency measures.

Inerekomenda din ng Meralco ang pagset ng thermostat ng refrigerator sa mas mataas ng setting para sa short trips o kung matatagalan ang pagbiyahe ay patayin na lang ito at iwanang walang laman at hayaang bukas ang pinto nito para maiwasan ang pagkakaroon ng molds.

Ipinayo din ng Meralco na ang paggamit rechargeable products tulad ng mga fans, mga radyo at USB mobile chargers ay maaring gamitin s amga sementeryo dahil sa mas cost efficient at convenient ito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.