Rekomendasyon ng minorya sa Kamara na siya’y kasuhan minaliit ni de Lima

By Jan Escosio October 27, 2016 - 04:50 PM

De Lima
Inquirer file photo

Binalewala lang ni Sen. Leila de lima ang rekomendasyon ng house minority bloc na siya ay kasuhan kaugnay sa illegal drugs operation sa Bilibid. Ayon kay de Lima hindi na niya ikinagulat ang rekomendasyon ng grupo ni Quezon Rep. Danilo Suarez dahil alam na niya na kasama ang mga ito sa mga nais siyang madiin sa operasyon ng droga sa pambansang piitan.

Sinabi pa ng senadora hindi naman tunay na oposisyon ang grupo ni Suarez sabay dagdag na ilan sa mga kasama sa grupo ay may mga kuwestiyonableng motibo.

Giit nito ang ilan sa mga kongresista ay nais siyang madiin kayat isinagawa ang pagdinig sa mababang kapulungan.

Dagdag pa ni de Lima,  hindi na rin dapat pagtakhan kung may mga lalabas pang mga bagong testigo o ebidensiya laban sa kanya.

Sinabi din nito na handa niyang harapin ang lahat na ibabato sa kanya kasabay na rin ng paghahanda niya sa kanyang sariling buwelta laban sa mga nagdidiin sa kanya sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: de lima, Illegal Drugs, Minority report, suarez, de lima, Illegal Drugs, Minority report, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.