Mga kasong isinampa laban sa kaniya, ipinababasura ni dating PNoy

By Kabie Aenlle October 27, 2016 - 07:53 AM

pnoyIginiit ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa Office of the Ombudsman na walang basehan ang isinampang kaso sa kaniya kaugnay ng pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Dahil dito, ipinababasura niya ang mga kasong graft at iba pang kasong isinampa kaugnay ng DAP na una nang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional.

Sa kaniyang isinumiteng counter-affidavit, pinuna ni Aquino ang kabiguan ng mga nagsampa sa kaniya ng kaso na mag-presenta ng ebidensyang magdi-diin sa kaniya sa kasong ito.

Paliwanag pa ni Aquino, hindi sapat na gamitin ang desisyon ng Korte Suprema para sa mga kaso laban sa kaniya, at hindi rin tumutugma ang mga reklamo ng mga ito para sa kwalipikasyon ng pagsasampa ng kasong technical malversation, usurpation at graft and corruption.

Aniya pa, siya ay inosente at hindi dapat managot sa isinampang kasong technical malversation laban sa kaniya.

Dagdag niya pa, nilinaw lang ng Korte Suprema ang “constitutional boundaries” kaugnay sa kapangyarihan sa mga pondo at nakatakda lang itong gamitin “for future reference” para sa mga susunod na paglalaan ng pondo.

Nilinaw rin ni Aquino na hindi naman talaga siya ang kumokontrol sa DAP, at na hindi niya isinantabi ang kapangyarihan ng Kongreso sa paglalaan ng mga pondo sa ahensya ng gobyerno.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.