Bangkay ng lalaki na balot ng garbage bag at duct tape, natagpuang sa Makati City

By Jong Manlapaz October 27, 2016 - 06:53 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Binalutan mula ulo hanggang paa ng kulay itim na garbage bag ang isang bangkay na itinapon sa bahagi ng Barangay Pembo sa Makati City.

Maliban sa kulay itim na garbage bag, pinalibutan pa ng duct tape ang katawan ng biktima.

Nag-iwan din ang mga salarin ng karatula sa ibabaw ng bangkay na may nakasulat na “TULAK AKO WAG TULARAN”.

Ayon naman sa isang residente sa lugar, nakita niya ang isang SUV na ibinaba ang nasabing biktima sa bahagi ng Adelfa Street.

Matapos mailapag sa kalsada, isang lalaki na angkas ng nakabuntot na motorsiklo ang bumaril sa biktima.

Inaalam na ng mga otoridad kung mayroong CCTV sa lugar upang makita ang mga sasakyan na tinutukoy ng residente.

 

 

TAGS: summary execution, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.