Italy nakararanas ng sunud-sunod na aftershocks matapos ang 2 malakas na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2016 - 06:27 AM

Central ItalySa datos ng Independent Scientific Organization sa nakalipas na limang oras, umabot na sa mahigit 20 ang naitalang aftershocks sa Italy.

Unang naitala ang magnitude 5.4 sa pagitan ng Marche at Umbria na naramdaman hanggang Rome.

Ilang oras ang nakalipas nasundan ito ng magnitude 6.0 na lindol.

Hanggang sa ngayon ay nakararanas pa rin ng magkakasunod na aftershocks sa Italy na umabot na sa dalawampu’t dalawa.

Kaninang alas 5:43 ng umaga, oras sa Pilipinas, muling nakapagtala ng magnitude 5.4 na lindol.

Hindi bababa sa magnitude 3.0 ang mga nararanasang aftershocks.

Ayon sa post sa twitter ng mga netizen, mistulang hindi sila patutulugin dahil sa nararamdamang magkakasunod na pagyanig.

Nangangamba din ang mga residente na baka ang sunud-sunod na aftershocks ay indikasyon na may tatama pang mas malakas na lindol.

 

 

TAGS: Central Italy quake, Central Italy quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.