Central Italy, niyanig ng dalawang malakas na lindol

By Jay Dones October 27, 2016 - 02:30 AM

central italy quakeNiyanig ng magnitude 5.4 at magnitude 6.0 na lindol ang central Italy na naramdaman ng mga residente kahit sa malalayong lugar.

Sa  ulat mula sa United States Geological Survey (USGS) naitala ang episentro ng unang magnitude 5.4 na lindol sa pagitan ng mga bayan ng Marche at Umbria sa lalim na sampung kilometro.

Sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig hanggang sa Rome kung saan maging ang mga daan-taong edad na mga tore at istruktura ay yumanig.

Wala pa namang naitalang pinsala sa mga struktura sanhi ng lindol.

Samantalang makalipas ang ilang oras, isang malakas na magnitude 6.0 na lindol malapit rin sa episentro ng unang pagyanig.

Matatandaang noong Agosto, niyanig ng malakas na magnitude 6.2 na lindol ang central Italy kung saan nasa halos 300 ang nasawi.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.