MOU lang, hindi kontrata ang napirmahan sa mga Chinese firms ayon sa BCDA

By Kabie Aenlle October 27, 2016 - 04:33 AM

 

PH-China-Ap-1026Walang kontratang pinirmahan.

Ito ang paglilinaw ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) matapos manawagan ang isang senador sa Malacañang na imbestigahan kung paano nakakuha ng kontrata ang mga Chinese firms na may bahid ang mga records.

Ayon kay BCDA president and CEO Vince Dizon, tanging memorandums of understanding (MOU) lamang ang pinirmahan at hindi kontrata tulad ng mga lumalabas sa mga ulat.

Napa-ulat kasi na ang mga kumpanyang Chinese na napili sa mga malalaking infrastructure projects dito sa Pilipinas ay may mga sabit, partikular na ang pagiging banned ng isa sa World Bank.

Gayunman, hindi naman diretsang nasagot ni Dizon kung alam nya na ang mga kumpanya kung saan siya nakikipag-ugnayan ay banned ng World Bank sa pagpasok sa anumang road and bridge projects na kanilang popondohan.

Pinuri ni Dizon ang Philippine Daily Inquirer sa pagsisikap nitong mabusisi ang tungkol sa background ng China Communication Construction Company (CCCC) at mga subsidiary nito, at paglalathala ng tungkol dito.

Pero aniya, dapat ay binusisi rin ang laman ng nilagdaang MOU kung saan malinaw na nakasaad na ito ay para lamang sa pag-aaral sa proyekto o feasibility study.

Hindi aniya ito pag-aaward ng kontrata dahil malayo pa sila sa puntong iyon.

Ang senador na nanawagan sa Malacañang tungkol dito ay si Sen. Panfilo Lacson, upang masiyasat kung paanong nabigyan ng kontrata ang mga kumpanya aniyang may kwestyunableng integridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.