Patay sa pagsalpok ng truck sa Cebu, umabot na sa 6

By Kabie Aenlle October 27, 2016 - 04:25 AM

 

argao cebuPumalo na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa pagsalpok ng isang truck na may kargang mga gulay sa isang puno sa Agarao, Cebu matapos mawalan ng preno noong Martes.

Nang maganap ang aksidente noong Martes ng hapon, dalawang batang lalaki at dalawang babae ang agad na nasawi habang sampu ang sugatan nang sumalpok at tumagilid ang nasabing truck.

Ngunit dalawang pasahero pa ang nadagdag sa bilang na ito matapos masawi habang nasa ospital na.

Kinilala ang dalawa na sina Margarita Geyrozaga at Cirila Pantinople na nasawi sa ospital kahapon.

Unang nasawi sa mismong araw ng aksidente sina Jely Pescadero, kasama ang anak niyang si Jaymar na 8-anyos, at pamangkin na si Joven Neri Jr., pati na ang isa pang babaeng pasahero na si Anastacia Geverola.

Sa ngayon, inihahanda na ng Argao police ang mga kasong multiple homicide at multiple serious physical injuries with damage to properties na isasampa laban sa truck driver na si Edgar Pescadero na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin.

Sinasabing overloaded ang nasabing truck na may kargang mga gulay at mga magsasaka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.