‘Star’ ni Trump sa Hollywood pinag-tripan

By Jay Dones October 27, 2016 - 04:20 AM

 

Mula sa deadline.com

Pinaghahataw ng ‘piko’ hanggang sa masira ng isang lalake ang ‘Hollywood star’ng US presidential candidate na si Donald Trump na matatagpuan sa Hollywod ‘Walk of Fame’.

Gamit ang isang pick-axe o ‘piko’, dinurog ng suspek na si Jamie Otis na nagpanggap na construction worker ang estrelya na gawa sa bronze ni Trump na nasa 6801 Hollywood Boulevard malapit sa Dolby theater kung saan ginaganap ang Oscars.

Ayon kay Otis, ginawa niya ang bandalismo bilang suporta sa mga kababaihang lumutang ang nag-aakusa kay Trump ng sexual harassment.

Matatandaang ilang kababaihan ang lumutang upang ireklamo si Trump dahil umano sa panghihipo at pananamantala kanila may ilang taon na ang nakalilipas.

Gayunman, mariing pinabulaanan ni Trump ang naturang mga alegasyon at nagbanta pang kakasuhan ang mga ito pagkatapos ng eleksyon.

Nagawaran si Trump ng ‘Hollywood star’ nang mag-host ito sa programang ‘The Apprentice’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.