Lihim na pagpunta umano sa Bejing, pinabulaanan ni DOTr Sec. Tugade

By Alvin Barcelona October 27, 2016 - 02:28 AM

 

Inquirer file photo

Mariing itinanggi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang lihim umano niyang pagpunta sa Beijing noong nakaraang buwan ng Hunyo.
Reaksyon ito ni Tugade sa ibinunyag ni outgoing US ambassador to the Philippines Phillip Goldberg.

Ayon kay Tugade, kung totoong sinabi iyon ni Goldberg, sablay na naman ang dating kinikilalang intelligence ng Estados Unidos dahil malinaw na tsismis lang iyon.

Nanindigan si Tugade na hindi siya nagpunta sa Beijing at handa siyang ipakita ang kanyang pasaporte para patunayan ito.

Una nang sinabi ni Goldberg na may impormasyon sila na nagpunta si Tugade kasama si Senador Alan Peter Cayetano sa Beijing noong Hunyo bago pa ang state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan para pasimulan ang proseso na nagresulta sa multi-bilyong dolyar na kasunduan sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.