Multiple attempted murder atbp., ikinaso ng mga raliyista vs NCRPO, MPD cops

By Alvin Barcelona, Jay Dones October 27, 2016 - 04:26 AM

 

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sinampahan na ng reklamo sa Office of the Ombudsman ng grupong Sandugo laban ang mga pulis na marahas na nagtaboy sa kanila sa US Embassy noong nakaraang linggo.

Kasama sa mga kinasuhan sa sina NCRPO chief Oscar Albayalde, Sr. Supt. Marcelino Pedrozo at PO3 Franklin Kho at 200 iba pang mga myembro ng Manila Police District (MPD).

Ang mga respondent ay sinampahan ng kasong multiple attempted murder,  serious physical injuries, unlawful arrest, grave abuse of authority and conduct unbecoming of a public officer, obstruction of justice at grave misconduct.

 

Bukod sa Ombudsman, kinasuhan din ng grupo sa Joint Monitoring Committee ng GRP-NDFP peace panel ang mga nabanggit na pulis.

Matatandaang ilang mga raliyista at pulis ang nasaktan nang biglang sumiklab ang kaguluhan sa rally ng mga katutubo sa US Embassy noong nakaraang linggo.

Ilan sa mga nasaktan at nasagasaan ng mobile ng pulisya na noo’y minamaneho ni PO3 Kho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.