Paglobo ng bilang ng mga regular na empleyado ipinagmalaki ng DOLE

By Jan Escosio October 26, 2016 - 04:16 PM

Workers
Inquirer file photo

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga contractual workers na nareregular sa trabaho dahil sa kampanya ng administrasyong Duterte na wakasan na ang end of contract o “endo”.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestro Bello na base sa kanilang pinakahuling monitoring nasa 16,183 workers na ang naging regular sa trabaho matapos ang pag-proseso ng kani-kanilang kumpanya sa kanilang mga dokumento.

Dagdag pa ni Bello, ito ay may katumbas na labing-limang porsiyento ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa contractual status.

Karamihan sa mga contractuals ay nasa manufacturing sector, sa mga malls, food stores, hotels at restaurants.

Ayon pa kay Bello, nakapagsagawa na sila ng 170 pulong sa 11,000 kinatawan ng iba’t ibang kumpanya para sa pagwawakas ng endo at labor only policy.

TAGS: Bello, DOLE, endo, Labor, regular, Bello, DOLE, endo, Labor, regular

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.