Pilipinas rerenta ng surveillance aircraft sa Japan para gamitin sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa

By Ruel Perez October 26, 2016 - 11:08 AM

TC90 aircraft of JapanNakatakdang pirmahan ngayong araw ang kontrata ng pagrenta ng Pilipinas sa mga lumang surveillance aircraft ng Japan.

Ayon kay Defense Undersecretary Raymundo Elefante, limang TC90 aircraft ang rerentahan ng Pilipinas para magamit sa pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa.

Ani Elefante, taun-taon, babayaran ito ng Pilipinas ng halagang US$28,200 o higit P1.3 million lamang.

Sa limang eroplano, apat dito ang nagkakahalaga ng mahigit P300,000 o $7,000 bawat isa habang US$200 lang kada taon ang renta sa ikalimang aircraft.

Paliwanag ni Usec Elefante, luma na kasi ang mga eroplanong ito ng Japan kaya napakamura ng arkila.

Giit ng opisyal, hindi na lugi ang Pilipinas sa magiging lease agreement dahil bukod sa murang pagrenta ng eroplano, may libreng training pang ibibigay ang Japanese military.

Samantala, wala namang tiyak na panahon kung hanggang kailan ang arkila sa limang eroplano pero umaasa ang opisyal na sa huli, ibibigay na rin ang mga ito ng libre ng bansang Japan sa Pilipinas.

 

 

TAGS: Philippines will rent Japan's aircraft, Philippines will rent Japan's aircraft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.