Ulat na may Abu Sayyaf sa Cebu, ‘false alarm’ ayon sa Central Visayas Police

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2016 - 09:16 AM

Abu SayyafMalinis umano sa presensya ng Abu Sayyaf ang buong Central Visayas taliwas sa mga napapaulat kamakailan na napasok na ng badidong grupo ang Cebu.

Ayon kay Supt. Julian Entoma, hepe ng Regional Intelligence Group ng Central Visayas Police Regional Office sa isinagawa nilang validation, walang Abu Sayyaf sa Cebu.

Ang pagtaas aniya nila ng alerto ay hindi naman para takutin o magdulot ng pangamba sa publiko.

Kinakailangan aniyang gawin ang hakbang matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Zamboanga Peninsula hinggil sa pagpasok umano ng Abu Sayyaf sa Cebu.

Sa kabila nito, hinihikayat ng Central Visayas Police na manatiling mapagmatyag.

Hindi aniya porke’t nagdeklara sila na walang presensya ng Abu Sayyaf sa rehiyon ay magpapakumpiyansa na ang mga otoridad at publiko.

 

TAGS: No Abu Sayyaf in Cebu according to Central Visayas Police, No Abu Sayyaf in Cebu according to Central Visayas Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.