Lola patay, dalawang apo iniligtas sa sunog sa Bago Bantay, Quezon City

By Jong Manlapaz October 26, 2016 - 06:26 AM

Sunog sa Bago Bantay, QC | Kuha ni Jong Manlapaz
Sunog sa Bago Bantay, QC | Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang 75-anyos na lola matapos matagumpay na mailigtas ang dalawa niyang apo sa sunog na naganap sa Ilocos Norte St., Barangay Ramon Magsaysay sa Bago Bantay sa Quezon City.

Kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department ang nasawi na si ginang Loreta Placer.

Tatlong bahay ang tinupok ng apoy na nagsimula alas 4:57 ng umaga at agad itinaas sa 4th alarm alas 5:04 ng umaga.

Pitong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa kusina ng bahay ng pamilya Placer.

Ayon sa CQC Fire Department, dalawang pamilya ang nakatira sa nasunog na bahay na nagkataong parehong nagluluto nang mga oras na iyon.

Maliban sa nasawing si Ginang Loreta, nasugatan naman ang dalawa niyang apo na sina Aania Arellano, isang taong gulang at Aaron Arellano na sampung buwang gulang.

Iniligtas umano ng nasawing lola ang dalawang apo, na nagresulta naman sa kaniyang pagkasawi.

Alas 5:59 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog at tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

 

TAGS: Fire hits Bago Bantay Quezon City, Fire hits Bago Bantay Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.