Batas na nag-aalis sa expiration ng mga gift checks umusad na sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali October 25, 2016 - 04:54 PM

GCs
Inquirer file photo

Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang batas na tuluyan nang magtanggal ng expiration dates sa mga gift check o certificates.

Ito’y kasunod na rin ng papalapit na holiday season.

Sa House Bill 3091 o New Gift Check Act of 2016 ni Quezon City Rep. Winston Castelo, ipinaaalis na ang expiration date sa GCs, check o card at maaari itong gamitin kung kailan gugustuhin.

Ani Castelo, tuwing Pasko, Bagong Taon o anumang espesyal na okasyon ay naging karaniwang pang-regalo ang gift checks o GCs.

Pero may ilan aniya sa mga consumers ang hindi batid na may expiration date ang GCs.

Kaya kapag gagamitin na ang expired na GCs ay balewala na ang halagang katumbas nito dahil napaso na.

Giit ni Castelo, ang GCs ay katumbas ng pera kaya hindi dapat ito na-e-expire.

Binanggit ng mambabatas na mayroon nang administrative order ang Department of Trade and Industry o DTI na nagba-ban sa GCs na may expiration date subalit mandato pa rin aniya ng Kongreso na bigyan ito ng ngipin sa pamamagitan ng batas.

Sa ilalim pa ng panukalang batas, bukod sa aalisin ang expiration date, magiging tungkulin ng suppliers na tiyakin ang security features ng GC upang hindi mapepeke o magagaya kahit pa alisin na ang expiration date nito.

TAGS: castello, Congress, gift check, castello, Congress, gift check

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.