Kampo ni Robredo dumipensa sa pakikipagpulong sa pinuno ng U.N

By Alvin Barcelona October 24, 2016 - 07:48 PM

ban kimoon
OVP

Dumepensa ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagbibigay ng netizens ng malisya sa kanyang pakikipagkita kay United Nations Secretary General Ban Ki Moon sa Equador noong nakaraang linggo.

Paliwanag ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, walang isyu na may kinalaman sa pulitika na pinag-usapan sina Robredo at Ban Ki Moon.

Nilinaw ni Hernandez na pinangunahan lamang ng pangalawang pangulo ang delegasyon ng Pilipinas ng dumalo  sa isang kumperensya kasama ang kinatawan ng konsulado doon.

Nagkataon lang din na nasa hapunan na ibinigay ng pangulo ng Equador kina Robredo at Ban Ki Moon kaya sinamantala ng pangalawang pangulo na magpa-selfie kasama ang pinuno ng U.N..

Natural lang umano na mag-usap ang dalawa at hindi na ito dapat nag awing isyu.

Kasabay nito, umapela si Hernandez sa publiko na huwag ng bigyan ng malisya ang naganap na pagkikita ng dalawang lider.

Nilagyan ng kulay ng mga Duterte supporters ang pagkikita ng dalawa sa harap ng hayag na galit ng pangulo kay Ban dahil sa pagbatikos nito sa agresibong anti-drug campaign ng administrasyon.

TAGS: Ban Ki-moon, Robredo, U.N, Ban Ki-moon, Robredo, U.N

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.