2 tao, patay sa shooting incident sa Caloocan. 2 suspek, napatay ng mga pulis

By Angellic Jordan October 23, 2016 - 10:16 AM

 

police-line-0815Patay ang dalawang biktima, maging ang dalawang suspek sa isang shooting incident sa Caloocan City kaninang umaga.

Ayon sa pulisya, binaril ang mga biktimang sina Niel Kalintang at Maria Teresa sa inuupahang bahay ng babae sa bahagi ng Rajah Sulayman street sa Barangay Sto. Niño.

Sugatan naman si Jeffrey Cahero at isang dalawang taong gulang na batang lalaki na kasama ng dalawang biktima sa nasabing bahay.

Ilang minuto matapos ang shootout, nahuli ng mga pulis ang dalawang suspek na riding in tandem sa isang checkpoint sa bahagi ng Barangay 178 sa Camari.

Ito’y makaraang makatanggap ng report mula sa isang sibilyan na nakasaksi sa pagtakas ng mga suspek.

Iniwasan umano ng mga suspek ang nasabing checkpoint ngunit naharang ang mga ito ng mga pulis hanggang sa napatay matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya kung ano ang motibo sa nangyaring shooting incident.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.