Mga websites sa U.S nabiktima ng malawakang cyberattack

By Den Macaranas October 22, 2016 - 09:22 AM

Hacking onlineNagtutulong-tulong ngayon sa imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) at ilang mga Cyber security experts sa para alamin kung sino ang nasa likod ng malawakang hacking activities na nangyari sa U.S.

Nauna nang sinabi ng Dynamic Network Services (Dyn) na siyang nangangasiwa sa Internet Trafic sa U.S na napasok ng mga hackers ang maraming mga website na naka-apekto sa mga onlines activities sa loob ng ilang oras.

Kabilang sa mga apektadong websites ay ang Twitter, Reddit, PayPal, Gitihub, Wired, Amazon, The Guardian, People at HBO.

Sa paunang imbeetigasyon ng FBI, isang uri ng DDoS attack ang nangyari at malinaw na planado at sistematiko ang pag-atake mula sa halos ay isang milyong mga IP addresses.

Nagmula ang nasabing pag-atake gamit ang ilang appliances, DRVs at printers na direktang naka-konekta sa internet.

Unang naapektuhan ng pag-atake ang mga lugar sa Eastern part ng U.S bago kumalat sa Midwest at California.

Sinabi naman ng U.S intelligence na hindi galing sa China o North Korea ang nasabing cyber attack.

TAGS: amazon, FBI, hacking, hbo, Twitter, amazon, FBI, hacking, hbo, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.