Apela sa Int’l community para sa ayuda sa mga biktima ng bagyong Lawin ipinasa na ng NDRRMC SA DFA

By Ruel Perez October 21, 2016 - 07:22 PM

DFADepartment of Foreign Affairs (DFA) na umano ang may discretion kung aapela ang bansa ng ayuda sa International community para sa mga biktima ng bagyong Lawin.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, ang DFA ang nangangasiwa sa pag-apela ng ayuda sa International community pero kailangan munang malaman kung anong partikular na tulong ang kailangan ng mga nasalanta ng bagyong Lawin.

Sa ngayon, ani Marasigan, ang mga bansa pa lamang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang unang nag-alok ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo.

Nag-iikot na ang rapid damage assessment and needs analysis team ng NDRRMC para matukoy ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Pinangungunahan nina NDRRMC executive director Usec Ricardo Jalad at DSWD secretary Judy Taguiwalo ang inspeksyon kasama ang iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Nasa norte na rin ang nasa 30 motorcyle rider volunteers na tutulong sa damage assessment at relief operations.

Samantala, lumipad na rin ang isang C130 plane ng AFP galing Mactan Cebu na may dalang mga relief goods para sa mga nasa Cagayan region.

TAGS: AFP, Asean, DFA, ndrrmc, AFP, Asean, DFA, ndrrmc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.