2 construction worker patay sa landslide sa Benguet

By Dona Dominguez-Cargullo, Rohanisa Abbas October 20, 2016 - 12:33 PM

Photo via OCD-CAR CDRRMDC
Photo via OCD-CAR CDRRMDC

Patay ang dalawang construction worker sa landslide na naganap sa La Trinidad, Benguet sa kasagsagan ng pananalasa doon ng bagyong Lawin.

Natabunan ng lupa ang dalawa sa Barangay Longlong, ngunit wala pang ibang impormasyon kaugnay sa insidente.

Hindi pa nakikilala ang mga nasawing manggagawa na kapwa dinala sa Benguet General Hospital ayon kay Gov. Crescensio Pacalso.

Gumuho rin ang lupa sa kalapit na paaralan.

Photo via OCD-CAR CDRRMDC
Photo via OCD-CAR CDRRMDC

Samantala, ayon kay Social Worker and Development officer Betty Fangasan, mahigit isang libong katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation center sa Benguet dahil sa banta pagbaha at landslide dulot ng bagyo.

Sa Ilocos Norte naman, mayroon ding isang naitalang nasawi sa kasagsagan ng bagyong Lawin.

Ayon sa Ilocos Norte Police, nakilala ang nasawi na si Aurora Cariaga, 65 anyos na residente ng Davila, Pasuquin, Ilocos Norte.

Hypothermia umano ang ikinasawi ni Cariaga dahil tinangay ng malakas na hangin ang bubong ng kanilang bahay.

 

 

TAGS: Typhoon Lawin aftermath in Benguet and Ilocos Sur, Typhoon Lawin aftermath in Benguet and Ilocos Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.