Siyam na pulis Maynila, sinibak sa pwesto matapos ang marahas na dispersal sa US embassy rally

By Erwin Aguilon October 20, 2016 - 08:32 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sinibak na sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde ang siyam na opisyal ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa madugong dispersal sa mga raliyista sa harap ng US Embassy sa Roxas Blvd., Maynila.

Kabilang sa sinibak sina Sr. Supt. Marcelino Pedrozo, deputy district director for operations ng MPD, P/Supt. Albert Barot, station commander ng MPD Station 5 at ang driver ng police mobile na sumagasa sa mga raliyista na si PO3 Franklin Kho.

Sa ngayon kinumpirma ng NCRPO na nasa kostodiya na nila si Kho.

Sinibak ang mga ito habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring magulong dispersal kahapon.

Patapos na ng isinasagawang programa ng mga militante kahapon kasama ang ilang katutubo mula sa Mindanao at iba pang lugar nang maganap ang dispersal.

Kuhang-kuha sa video ang pagsagasa ng mobile ng pulis sa mga nagra-rally.

Limang militante ang sinagasaan kabilang na si Pia Maglayao, spokesperson ng Sandugo na pangkat ng mga katutubo.

Sa nasabing insidente tatlumpu ang nasugatan at 29 ang inaresto na kalaunan ay pinalaya rin.

TAGS: US Embassy dispersal, US Embassy dispersal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.