NAIA balik sa “worst airports in Asia”

October 18, 2016 - 04:06 PM

naia-tarmac
Inquirer file photo

Muling napabilang ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa listahan ng “worst airports in Asia”.

Ayon sa isang ulat sa website na Sleeping in Airports, pang lima ang NAIA sa worst airports sa Asia.

Inilatag ng naturang travel website ang mga dahilan kung bakit muling napabilang ang NAIA sa listahan.

Ilan sa mga dahilan ay ang isyu ng tanim bala, kawalan ng kuryente, pagkasira ng air conditioning, hindi komportableng upuan at kumplikadong terminal transfers.

Pero sa kabila nito, binigyang diin naman ng naturang website ang mga naging improvements sa Manila airport dahil na rin sa mga renovations na isinagawa sa paliparan.

Kabilang sa mga pagbabagong napansin sa NAIA ng mga travelers ay ang malinis na mga comfort rooms, karagdagang upuan at mas maayos na taxi service sa harapan ng mga terminals.

Matatandaan na napabilang na ang NAIA sa listahan ng worst airports in Asia noong 2012 at worst airports in the World naman noong 2011 at 2013.

TAGS: dotr, NAIA, sleeping ion airports, worst airports, dotr, NAIA, sleeping ion airports, worst airports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.