Dagdag-sahod, pangunahing national concern, ayon sa Pulse Asia Survey

By Rohanisa Abbas October 18, 2016 - 10:23 AM

BPODagdag-sahod at hindi ang krimen ang pangunahing concern ng publiko na nais nilang matugunan sa lalong madaling panahon.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

Ang survey ay idinaos mula mula September 25 hanggang October 1 sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan 1,200 ang respondents.

Sa nasabing survey, 46% ng respondents ang nagpahayag ng pagnanais na agad na matugunan ang karagdagang sahod sa mga manggagawa.

Bumagsak naman sa 31% mula sa 52% noong July ang nagsabing pangunahing isyu para sa kanila na dapat matugunan ang krimen sa bansa.

Ilan pa sa mga nabanggit ng hindi bababa sa 1/3 ng respondents bilang national concern ay ang ang paglikha ng karagdagang trabaho, pagkontrol sa pagtaas ng bilihin, at paglaban sa korupsyon sa gobyerno.

Samantala, 27.4% ng mga Pilipino naman ang naniwalang pangunahing local concern ang pagtugon sa kapayapaan at kaayusan.

Naitala din bilang mga pangunahing local issues ang pagsasaayos ng publikong imprastruktura, trabaho, at waste management at kalinisan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.