Kerwin Espinosa, puwedeng testigo laban kay Sen. De Lima-Aguirre

By Isa Avendaño-Umali October 18, 2016 - 04:32 AM

 

Kerwin-Espinosa-drug-lordMaaring mapabilang ang naarestong umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa sa mga testigo laban kay Senador Leila de Lima.

Ito ay ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at aniya ito, naman ay kung papayag si Espinosa.

Dagdag pa Aguirre, ito rin naman ay kung makakapasa si Espinosa sa Witness Protection Program (WPP) at aalukin din nila ito ng ‘immunity’.

Paglilinaw naman agad ni Aguirre na ang ‘immunity’ ay pag-aaralan pa kung ito ay para sa mga kasong kinahaharap niya kaugnay sa droga o sa gagawing pagtestigo lang niya laban kay De Lima.

Binanggit pa ni Aguirre na may nakuha silang impormasyon na malapit sa isa’t-isa sina De Lima at Espinosa.

Patunay dito aniya ang larawan ng dalawa sa Baguio City noong panahon ng kampanya.

Si Espinosa ay nahuli sa Abu Dhabi, United Arab Emirates at sinasabing agad itong ibabalik dito sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.