Kamara, plano nang maglabas ng reward money para mahuli si Ronnie Dayan

By Isa Avendaño-Umali October 17, 2016 - 01:21 PM SHARE(S):

Ronnie dayanInirekomenda ni House Justice Committee chairman Reynaldo Umali sa liderato ng kamara na magbigay ng reward para sa mabilis na ikadarakip ni Ronnie Dayan, ang dating bodyguard at umano’y lover ni Senadora Leila de Lima.

Sa isang press conference, sinabi ni Umali na magandang ideya ang paglalabas ng reward upang mabilis na mahuli si Dayan.

Gayunman, hindi pa masabi ni Umali kung magkano ang dapat nilang itakdang reward para maaresto na si Dayan.

Kakausapin din umano niya si Speaker Pantaleon Alvarez hinggil dito.

Ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ay may P100,000 reward money na aniya para sa makakapagturo sa kinaroroonan ni Dayan.

Subalit ayon kay Umali, mabuting dagdagan ito ng mababang kapulungan.

Matatandaan na no-show si Dayan sa apat na imbestigasyon ng Justice Panel kaugnay sa malalang illegal drug trade sa Bilibid.

Sinubpoena ng lupon si Dayan pero hindi pa rin siya nagparamdam, hanggang sa nai-cite in contempt at naisyuhan ng warrant of arrest.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.