China, maglulunsad ng manned spacecraft

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 05:22 AM

Mga astronauts ng Shenzhou-11 mission | Xhinhua News Agency
Mga astronauts ng Shenzhou-11 mission | Xhinhua News Agency

Inanunsyo ng kanilang state media na maglulunsad ang China ng isang manned space mission ngayong araw.

Ayon sa Xhinhua news agency, isasakay ng Shenzhou-11 spacecraft ang mga Chinese astronauts na sina Jing Haipeng at Chen Dong, sa pag-alis nito mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa Gobi desert.

Darating sila sa orbiting space lab ng China na Tiangong-2 sa loob ng dalawang araw, at mananatili doon sa loob ng 30 araw bago bumalik sa Earth.

Magsisilbing commander ng mission ang 50-anyos na astronaut na si Jing, na dalawang beses nang nakapunta sa kalawakan.

Magsasagawa sila ni Chen ng mga research projects na may kinalaman sa in-orbit equipment repairs, aerospace medicine, space physics and biology, atomic space clocks at solar storm research.

Bilyun-bilyon ang ginastos ng China para lamang makahabol sa mga space programs ng US at ng Europe.

Noong Abril, sinabi na rin ng Beijing na magpapadala sila ng spacecraft na iikot sa Mars, at magdedeploy rin sila ng rover sa surface ng nasabing planeta pagdating ng 2022.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.