Ikalawang drug rehab center, itatayo sa Davao

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 05:19 AM

Davao City mapDahil sa pagdami ng mga sumusukong drug addicts, isa pang drug rehabilitation center ang itatayo sa Davao City.

Ayon kay Davao City administrator Zuleika Lopez, itatayo ang ikalawang rehab center sa 2.5 ektaryang lupain sa Brgy. Malagos sa Baguio district na magkatuwang na popondohan ng isang casino operator at ng ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa rito.

Ani pa Lopez, sa Disyembre gagawin ang groundbreaking para sa bagong pasilidad, at agad na sisimulan ang konstruksyon pagkatapos nito.

Dahil sa bagong itatayong rehab center, inaasahang makakatulong ito upang mapaluwag ang Davao City Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents (DCTRCDD) sa Brgy. Oshiro kung saan siksikan na ang mga pasyente.

Ayon kasi kay DCTRCDD manager Dr. Gene Gulanes, ang kapasidad lamang ng kanilang pasilidad ay 100, ngunit ngayon ay mayroon na silang 114 na mga pasyente at 35 sa mga ito ay pawang mga lalaking menor de edad.

Kinailangan pa aniya nilang kumuha ng mga higaan mula sa female dorm dahil kaunti lang naman ang babaeng mga pasyente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.