NFA, nag-alok bilhin ang palay ng mga magsasaka sa Pangasinan

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 05:12 AM

rice farmers willie lomibaoBilang tulong sa mga magsasakang apektado ng biglaang pagbagsak ng presyo ng palay sa lalawigan ng Pangasinan, nag-alok ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang mga ito.

Ayon kay NFA western Pangasinan manager Rolando Rufo, nagbukas na sila ng mga buying stations sa mga bayan ng Lingayen at Mangatarem, maging sa mga lungsod ng Dagupan at Alaminos.

Paliwanag ni Rufo, nagsisilbing alternative market ang NFA sa tuwing bumabagsak ang presyo ng palay, tulad ng nangyari ngayon kung saan mula sa dating P15 kada kilo ay bumaba ito ng P12 dahil sa pagdagsa ng mga imported na bigas sa merkado.

Dahil dito, kinwestyon ng Pangasinan Federation of Irrigators’ Association ang pagdating ng mga imported na bigas na itinaon pa sa panahon ng ani ng kanilang mga palay.

Pero ayon naman kay NFA western Pangasinan assistant manager Juliet Bascos-Orias, imposibleng pumasok na sa mga lokal na pamilihan ang mga imported na bigas dahil ang alokasyon para sa probinsya ay sa susunod na taon pa darating.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.