‘No window hour’ policy, opisyal nang ipatutupad ngayong araw

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 05:10 AM

EDSA-PNPNgayong araw na opisyal na magsisimula ang ‘no window hour’ policy na ipatutupad ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT sa ilang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sa bagong number coding scheme na ito, ipatutupad ang ‘no window hour policy’ sa EDSA, C-5 road, Roxas Boulevard, Zapote Road, pati na rin sa mga lungsod ng Mandaluyong, Makati at Las Piñas.

Sa ilalim ng patakaran na ito, bawal nang dumaan ang mga sasakyan sakop ng coding sa isang partikular na araw mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Kung noong nakaraang Miyerkules hanggang Biyernes ay nanita lamang at nagpaalala pero hindi nanghuli ang mga traffic enforcers, ngayon ay mabibigyan na ng traffic violation ticket at pagmumultahin na rin ng P300 ang mga motoristang lalabag.

Tulad ng dati, mangangasiwa pa rin sa mga kalsadang nabanggit ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Hanggang sa January 31 ipapatupad ang bagong patakarang ito na inaasahang makakatulong sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Pagkatapos ng nakatakdang panahon, titingnan ng I-ACT kung may maganda nga itong naitulong at doon nila ibabase ang kanilang mga susunod na plano kaugnay dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.