Pro-Marcos group nagmartsa papuntang Maynila

By Rohanisa Abbas October 15, 2016 - 03:59 PM

Marcos supporters
Inquirer file photo

Nagsimula na ang Kailian March o ang paglalakbay ng mga sumusuporta sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Umalis mula sa simbahan ng Paoay ang mga tagasuporta ni Marcos pasado alas-sais kagabi.

Inaasahang magtatapos ito sa October 18, araw rin ng pagtatapos ng status quo ante order ng Korte Suprema o temporary restraining order sa naturang paglilibing kay Marcos.

Nagpahayag din ng pagsuporta sa naturang martsa si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay ipinag-utos niya sa pulisya at militar na bantayan ang kaligtasan ng mga kalahok nito.

Nagpasalamat naman ang anak ng dating pangulong Marcos na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga dumalo sa Kailian March.

Ang Kailian o kababayan ay salitang Ilokanong pagpapakita ng malapit na ugnayan sa pagitan ng mga kapwa miyembro ng isang barangay.

TAGS: gero's burial, libingan ng mga bayani, Marcos, gero's burial, libingan ng mga bayani, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.