4 na suspek sa panloloob sa isang gasoline station, patay sa Pangasinan

By Rohanisa Abbas October 14, 2016 - 10:03 AM

police-line-0815Patay ang apat na hinihinalang magnanakaw matapos maka-engkwentro ang pulisya sa Manaoag, Pangasinan Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Pangasinan Provincial Police Director Senior Supt. Oliver Lee, nilooban ng apat na suspek ang isang gas station at saka nagsitakas, sakay ng kotse.

Pero nang sumapit sila sa checkpoint sa Barangay Poa, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kaya nauwi ito sa barilan, na ikinamatay ng apat.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Narekober sa sasakyan ang apat na handgun, isang M-16 rifle, police athletic uniforms at sombrero, drawer ng cashier at mga resibo mula sa gas station.

 

 

TAGS: 4 robbery suspects killed in Pangasinan, 4 robbery suspects killed in Pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.