Asian Superstar Vanness Wu, dumating sa bansa

July 31, 2015 - 12:43 PM

vanness edit
Kuha ni Kristine Mangunay/PDI

Dumating sa bansa ngayong araw si Asian superstar Vanness Wu na miyembro ng sumikat na grupong F4 at isa sa mga bida sa sumikat na Taiwanese drama na Meteor Garden.

Sa impormasyon mula sa Media Affairs ng Manila International Airport Authority (MIAA) sakay si Wu ng Cathay Pacific flight CX 901 at lumapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas 11:00 ng umaga kanina.

Nakatakdang dumalo si Wu sa isang event ng isang denim company sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig si Wu.

Si Wu ay isa sa apat na miyembro ng F4 boy band na maliban sa kanilang mga kanta ay sikat din dahil sa drama series na Meteor Garden na tinangkilik dito sa Pilipinas noong taong 2003.

Kama ni Wu sa nasabing grupo sina Jerry Yan, Vic Zhou at Ken Chu.

Isa sa mga pinakahuling pinagka-abalahan ni Wu ang pagiging isa sa apat na judge ng Asia’s Got Talent sa Singapore.

Sa nasabing talent search, ipinakita ni Wu ang pagiging malapit sa mga Filipino dahil tuwing may lalahok na Pinoy ay binabati niya ito gamit ang Filipino words gaya ng “mabuhay”, “mahal kita” at “salamat”. / Ruel Perez

TAGS: f4, vanness wu, f4, vanness wu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.