Aktor na si John Wayne Sace, ligtas na matapos tambangan

By Kabie Aenlle October 12, 2016 - 04:22 AM

 

john wayne saceNasa mabuting kalagayan na ang dating aktor na si John Wayne Sace, matapos pagbabarilin noong Lunes ng gabi sa Pasig City.

Pinagbabaril ng riding in tandem si Sace at ang kaibigan nito na si Erik Sabino sa may Dr. Sixto Antonio Avenue, habang sila ay may hinihintay na kaibigan.

Ayon kay Senior Supt. Orlando Yebra Jr., nagtamo ng tama ng bala sa baywang si Sace, habang idineklara namang dead on arrival sa ospital si Sabino dahil sa dami ng tama ng bala sa kaniyang katawan.

Kinumpirma naman ng pulisya sa Pasig na kasama sina Sace at Sabino sa kanilang drug watchlist dahil sa pagtutulak ng droga, at nauna na anilang sumuko si Sace sa Oplan Tokhang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.