Agot Isidro, tinawag si Pres. Duterte na ‘psychopath’

By Angellic Jordan October 09, 2016 - 02:08 PM

Photo grab mula sa FB account ni Agot Isidro
Photo grab mula sa FB account ni Agot Isidro

Hindi na napigilan ni TV/Movie actress na si Agot Isidro na maglabas ng inis at galit tungkol sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang Facebook account, tinawag ni Agot na ‘psychopath’ o wala sa tamang pag-iisip si Presidente Duterte matapos nitong hamunin ang European Union at Amerika na tanggalin na lahat ng ayuda ng mga ito sa Pilipinas.

Aniya, walang umaaway sa pangulo at sa katunayan siya mismo ang nang-aaway sa ibang opisyal sa loob at labas ng bansa.

Matapang ding ipinost ni Agot laban kay Duterte, ang bansa kung saan siya iniluklok ng labing anim na milyong Pilipino ay third world, at tila parang may superpower ang Pilipinas kung ganun na lamang makapagsalita ang presidente.

Patama pa ni Agot, ayaw nitong magutom kaya’t kung itutuloy ni Duterte ang kanyang ganitong pamamalakad ay mag-isa na lang aniya siya.

Hirit pa nito, may kakilala raw siyang psychiatrist dahil hindi raw bipolar si Pangulong Duterte kundi psychopath.

TAGS: Agot Isidro, Agot Isidro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.