Mga artistang nahulihan ng droga aktibo ngayon sa gardening ayon sa QCPD

By Ruel Perez October 06, 2016 - 05:32 PM

Krista Miller sabrina
Photo: QCPD/Ruel Perez

Sumailalim na umano sa detoxification process mula sa pagkalulong sa ilegal na droga ang mga artistang babae na naaresto nang pulisya dahil sa illegal drugs.

Sa panayam sa Camp Crame, sinabi ni Quezon City Police District Director CSupt. Guillermo Eleazar na habang naghihintay sila ng commitment order para sa jail facilities na pagkukulungan kina Karen Pallasigue o  Sabrina M. sa pelikula at Krista Miller ay sumasailalim sila sa detoxification kasama na rin ang gardening at mga ehersisyo sa QCPD Detention compound.

Ayon pa kay Eleazar, nakakapag pa araw na rin ang mga nabanggit na artista at sa ngayon ay nakikitaan na umano nila ng improvement o pagbabago sa kanilang physical appearance.

Dagdag pa ni Eleazar, unti unti na umanong bumabalik sa normal ang buhay nina Sabrina M. at Krista Miller na nagmimistulang napailalim sa forced rehab at wala na rin silang access sa droga.

Sinabi rin ng pinuno ng QCPD na aminado ang nasabing mga personalidad na sila’y may mga problema sa buhay at ngayon ay nagsisisi sa paggamit ng iligal na droga.

TAGS: eleazar, krista miller, QCPD, sabrina m, eleazar, krista miller, QCPD, sabrina m

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.