Rosanna Roces isinangkot sa drug trade sa loob ng Bilibid

By Den Macaranas October 06, 2016 - 03:02 PM

Rosanna-Roces
Inquirer file photo

Lumutang ang pangalan ng aktres na si Rosanna Roces sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa isyu ng bentahan ng droga sa loob ng New Bilibid Prisons.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Nonile Arile na isang dating pulis na girlfriend ng drug lord na si Vicente Sy si Roces.

Ilang tauhan din umano ng Philippine Drug Enforcement Agency ang protektor ni Sy sa kanyang iligal na gawain.

Maliban kay Sy, pingalanan rin ni Arile ang ilang mga bigtime drug personalities sa loob ng Bilibid.

Kabilang dito sina Ben Marcelo, Sam Li Chua, Peter Co, Willy Yang, Robert Lee, Willy Ang, Jackson Lee at isang alyas “Tom” at “Tatay Angste”.

Binanggit din ni Arile na kilala sa loob ng Bilibid si Jaybee Sebastian bilang isang “untouchable” dahil sa kanyang pagiging malapit kina dating Justice Sec. Leila de Lima at dating Usec. Francisco Baraan.

Madalas din umanong ipagmalaki ni Sebastian na malaking pera ang kanyang ibinibigay kay de Lima noong mga panahon na iyon.

TAGS: Bilibid, Congress, rosanna roces, vicente sy, Bilibid, Congress, rosanna roces, vicente sy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.