Duterte tinawag na “misogynist” ni de Lima

By Alvin Barcelona October 05, 2016 - 03:51 PM

De-Lima-Duterte-620x426
Inquirer file photo

Tinawag ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na isang “misoginyst” o taong mababa ang tingin sa mga kababaihan.

Sinabi ito ni delima sa isang event ng Commission on Human Rights na may temang “Buhay at Babae” sa harap ng nararanasan niyang panggigipit mula sa mga kaalyado ng administrasyon.

Bagamat hindi direktang pinangalanan, inilarawan nito ang kanyang pinatutungkulan na pinakamataas na opisyal ng bansa at minsang nang ginawang katatawanan ang isang rape victim.

Ayon kay de Lima, matagal na siyang naging tagapagtanggol ng karapatan ng mga inaaping kababaihan pero ngayon lamang niya naramdaman na maging isang biktima.

Tinawag nito ang mga pag-atake sa kanya na pawang kasinungalingan at malisyoso.

Inihalimbawa nito ang nangyari sa pagdinig ng Senate Justice Committee kamakailan kung saan siya pinagtulungan ng mga kawpa niya senador.

Pinayuhan din nito si Quezon Cong. Danilo Suarez na sumailalim sa gender sensitivity training matapos na aminin na hindi niya alam ang terminong “slut shaming”.

TAGS: CHR, de lima, duterte, misogynist, suarez, CHR, de lima, duterte, misogynist, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.