Sunshine Cruz, naawa kay Krista Miller

By Kabie Aenlle October 04, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Dahil sa isang komento ng netizen sa kaniyang Instagram account, hindi inaasahang nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Sunshine Cruz sa pagkaka-aresto ng starlet na si Krista Miller sa isang anti-illegal drug operation sa Quezon City.

Si Miller kasi ang hinihinalang naging sanhi ng paghihiwalay noon nina Cruz at ng aktor na si Cesar Montano.

Isang netizen ang nag-komento sa kaniyang litratong ibinahagi sa Instagram, na bagaman binura na, ay mistulang patungkol sa sinapit ni Miller sa kamay ng mga otoridad.

Sumagot si Cruz at sinabing hindi siya natatawa o natutuwa sa hindi magandang kinahihinatnan ng ibang tao.

Humingi naman ng paumanhin ang nasabing netizen, at pinuri ang magandang kalooban ng aktres.

Sumagot pa muli si Cruz na nagsabing naiintindihan naman niya ngunit dahil may anak na umano si Miller, naaawa siya dito.

Dagdag pa ni Cruz, apat na taon na silang hiwalay ni Montano, kasunod ng pagsabi ng “I’m in a better place now.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.