Black Sunday protest sa UAAP game minaliit ng Malacañang

By Chona Yu October 03, 2016 - 04:53 PM

Black sunday uaap
Inquirer file photo

Binalewala lamang ng Palasyo ng Malacañang ang ikinasang “Black Sunday” protest ng Ateneo de Manila University at De La Salie University sa UAAP basketball game kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, kung mapapansin ay nangibabaw pa rin ang mga suot na kulay asul at berde ng mga nanood ng basketball game.

Taliwas ito sa panawagan ng pamunuan ng DLSU at ADMU na magsuot ng kulay itim na damit bilang tanda ng pagprotesta sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani pati na ang umano’y nagaganap na extra judicial killings.

Ayon kay Andanar, kahit na sino ay maaaring maghayag ng kanyang pagkadismaya sa pamahalaan hangga’t mapayapa, nasa legal at naaayon ito sa Saligang Batas.

Ayon kay Andanar, may tamang panahon ang pagpapahayag sa pagprotesta sa pulitika at malinaw na hindi ito sa larangan ng sports.

TAGS: ADMU, black sunday, DLSU, UAAP, ADMU, black sunday, DLSU, UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.