Estudyante, nahulihan ng halos 5 kilong cocaine Sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2016 - 08:17 AM

cocaine(UPDATE) Isang estudyante ang nahulihan ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .

Sa impormasyon mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), naaresto si Jon-jon Villamin Jr., nang dumating ito sa NAIA terminal 3.

Galing umano sa 5 araw na panananatili sa Rio De Janeiro sa Brazil ang 22-anyos na suspek at dumating sa Pilipinas via connecting flight sa Dubai.

Hinarang ng mga tauhan ng Inter-agency anti-drug task group si Villamin, at nang buksan ang bagahe nito, matuklasan ang nakatagong 4.8 kilograms ng pure cocaine.

Tinatayang nasa P20 milyon ang halaga ng cocaine na bitbit ng suspek.

Ayon sa Task Group, posibleng ni-recruit si Villamin bilang drug courier sa Hong Kong kapalit ang libreng biyahe.

Sa kaniyang pahayag sinabi ng suspek na pinapunta siya sa Brazil ng kaibigan na isang Brazilian.

Libre umano ang lahat ng gastos kasama na ang tickets at hotel, pasya sa Brazil at pocket money.

 

 

TAGS: Student caught with P20-M cocaine in NAIA, Student caught with P20-M cocaine in NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.