1 patay, 7 sugatan nang mahulog sa estero sa Maynila

By Jimmy Tamayo October 01, 2016 - 11:52 AM

estero1
Inquirer file photo

Isa na ang naitalang patay samantalang nasa pito katao ang sugatan ng bumagsak ang lumang platform sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Romualdez Bridge sa Ermita, Maynila.

Nagsasagawa ng clean-up drive sa Balete pumping station sa Ermita ang mga MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) nang bumigay ang bakal na platform kung saan inilalagay ang nakukuhang basura mula sa nasabing estero.

Sa paunang ulat, may mga naipit na tauhan ng MMDA sa bumagsak na platform sa ilalim ng tulay.

Kinumpirma naman ni Nelly Sebastian, kagawad ng Brgy. 664 ang pagkamatay ng isa sa kanilang ka-barangay na kasama sa mga naglilinis ng estero.

Gayunman, nasawi umano ito makaraang atakihin ng sakit sa puso makaraan ang insidente.

Pansamantala munang hindi binanggit ang pangalan ng mga biktima samantalang tiniyak naman ng MMDA at DPWH na tutulungan nila ang mga ito sa gastusin sa pagpapa-ospital.

Nauna dito ay ipinag-utos ni DPWH Sec. Mark Villar ang paglilinis ng mga estero sa Metro Manila para hindi na maulit ang pagbaha sa mga nakalipas na araw lalo’t papasok sa bansa ang bagyong Igme.

TAGS: DPWH, manila, mmda, Villar, DPWH, manila, mmda, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.