Biktima ng chikungunya outbreak sa Cavite umabot na sa 423

By Jimmy Tamayo October 01, 2016 - 09:39 AM

outbreak  hospital
Inquirer file photo

Patuloy na binabantayan ng mga health authorities ang kaso ng chikungunya sa bayan ng Indang, Cavite.

Kasunod ito ng idineklarang chikungunya outbreak sa nasabing munisipalidad.

Ang deklarasyon ay ginawa ni Cavite Provincial Health Office Director Dr. George R. Repique sa rekomendasyon na rin ni provincial epidemiologist Dr. Nelson Soriano.

Mula kahapon, araw ng Biyernes ay umaabot na sa 423 ang chikungunya-related case sa buong lalawigan ng Cavite, 419 sa mga ito ay pawang nasa bayan ng Indang habang dalawa ang naitala sa mga lungsod ng General Trias at Dasmariñas.

Lima sa tatlumpu’t anim na mga barangays sa bayan ng Indang ang apektado ng sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok.

Nananawagan sa publiko ang mga lokal na opisyal ng Cavite na panatilihing malinis ang kapaligiran lalo na ang mga basing lugar na pwedeng pamahayan ng mga lamok.

Ang isang taong may chikungunya ay dumaranas ng mataas na lagnat at masakit na pangangatawan

TAGS: cavite, chikungunya virus, outbreak, cavite, chikungunya virus, outbreak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.