China, nagparating ng suporta sa kampanya sa iligal na droga ni Pangulong Duterte

By Jimmy Tamayo October 01, 2016 - 09:35 AM

Duterte China
Inquirer file photo

Nagparating ng suporta ang China sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga sa kabila ng mga kritisismong natatanggap mula sa iba’t-ibang bansa at human rights groups.

Kinumpirma ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang ang pagsuporta base sa polisyang ipinapatupad ng administrasyong Duterte kaugnay dito.

Ayon kay Geng, droga ang tunay na kaaway ng mga tao at ang pagkontrol dito ay isang tulungang responsibilidad ng lahat ng bansa.

Dagdag pa nito, handa ang China na sumama sa Pilipinas sa pagpaplano dito.

Nakatakdang bumisita at makipagpulong si Duterte kay China President Xi Jinping at Premier Li Kequiang sa October 19 hanggang 21 upang mapaigting ang usaping pangkalakayan at imprastraktura ng bansa.

Sa kabila ng pagsisiwalat na galing China ang mga drug lord na nagpapatakbo ng drug operations sa Pilipinas, inaasahan pa rin ni Duterte ang buong kooperasyon ng China sa kampanya kontra droga.

TAGS: China, drugs, duterte, Xi Jinping, China, drugs, duterte, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.